One of the Tropical Paradise sa Talicud Island – Babu Santa Beach Resort

One of the Tropical Paradise sa Talicud Island – Babu Santa Beach Resort

Isa sa mga tropikal na paradise resorts bukod sa Dayang Beach Resort ay ang Babu Santa Beach Resort sa Talicud Island. Ito ay pinangalanang hango sa isang babae (Babu) na maligaya bilang Santa Claus ngunit pasalungat ang ambiance ng lugar mula sa term na “maligaya”.

Ang resort ay lubos na perpekto para sa mga indibidwal na nais masaklawan ang kabuoan ng kalikasan. Hindi binago ang itsura ng Babu Santa para mapangalagaan ang ganda ng tanawin. Ang mga kuwarto at cottage ay dinisenyo na hindi expensibo. Ang lahat ng nakapalibot ay purong natural, wala masyadong ibang

tanawin ngunit malinis naman ang dagat, pinong puti ang buhangin at malawak na paligid para sa mga gustong maglaro o mag-enjoy.

Kung gusto mong maranasan ang lugar na ganito, mangyaring sumakay dito sa mga sumusunod na bangka (Pacific Boat, Jessa Boat, Shirly Boat, Gracee Boat, at Hof Gorei Boat) mula sa Sta. Ana pantalan Davao City papuntang Talicud Island at 10am hanggang 3pm lang ang biyahe. Kung gusto mo pa ng ibang option, maaari mo ring gawin ay sumakay ng barge mula Sasa Davao City papuntang Samal, mula sa barko ay maiksing biyahe na naman papuntang Penaplata warehouse sa Kaputian, pagkatapos ay sumakay ng bangka papunta sa Talicud sa P10.00 lamang na pamasahe, at ilang minutong biyahe doon sa Talicud Island sakay ng motorsiklo papunta sa Babu Santa Beach Resort. Kung nais mong makaranas ang ganito kagandang beach, tawagan po kami Mabuhay Travel para sa inyong early booking for your holiday in the Philippines, ang aming mga Filipino travel consultant ay maglingkod sa inyo.

 

Para sa mga taong nais na dalhin ang mga bata, ang kanilang kaligtasan ay dapat i-priority. Huwag iwanan ang mga bata dahil walang mga available na life guard sa lugar na ito.

 

Maraming Salamat po.

Related Posts

Matabungkay Beach

Known for its white sand beach The Matabungkay Beach, Lian Batangas Ang Matabungkay ay isang Barangay ng munisipalidad ng Lian,...

Discover The Hidden Treasures Of Sarangani

Tuklasin natin ang mga nakatagong yamang pang turismo ng Sarangani   Kapag iniisip mo ang Sarangani, malamang maiuugnay mo ito...

Hagimit Falls Nature Pride of Samal Island

Ang Samal ay lubos na kilala dahil sa maputing buhangin ng dagat. Sa kabilang banda, kung gusto mong pumunta sa...

Carabao Island is a world-class travel destination in Romblon!

Tinatawag ito ng mga lokal na Hambil, ngunit ang ibang bahagi ng mundo ay tumutukoy dito bilang Carabao Island. Kilala...