White water rafting sa Kalinga sa Pinoy Adventures

White water rafting sa Kalinga sa Pinoy Adventures

Ang Kalinga ay biniyayaan ng magagandang tanawin—gawa ito ng mga kabundukan na tila hindi nababahiran ng polusyon.  Ang Kalinga din ay hindi lamang tahanan ng mga tribo sa bundok kundi dito din dumadaloy ang isa sa pinakamagandang ilog na iyong makikita sa balat ng lupa—ang Chico River.  Bukod sa makasaysayang kuwento ng ilog, nagbibigay din ito ng adrenaline rush para sa mga turista. 

 

Tinahak ang kahabaan ng ilog sakay ng rubber boat at umaandar sa pamamagitan lang ng sagwan!  At tila nakapanlilinlang ang Chico River dahil may mga bahaging kalmado ito pero may mga parte ring tila susubukin ang iyong tapang.

 

Ang Ilog Chico ang isa sa mga pangunahing sangay ng Ilog Cagayan, na siyaing pinakamahaba at pinakamalaking Ilog sa buong bansa.  Kilala ring Rio Chici de Cagayan (munting Ilog ng Cagayan), ang Ilog ay matatagpuan sa lalawigan ng Kalinga.

May haba itong 174.67km at nagsisimula sa kabundukan ng Cordillera, sa mga lalawigan ng Benquet, Ifugao, at Mount Province. Umaagos ito pahilaga hanggang sumanid sa Ilog Cagayan. Ilan sa mga sangay nito ang Biga, Bunog, Mabaca, Pasil, Saltan at Tanudan. Ang pinagsamang river basin ng mga ilog Chico at Magat ay bumubuo sa sangkatlo ng buong lawak ng saklwa ng Ilog Cagayan. Matatagpuan sa kaligiran ng Chico ang Bulkang Binuluan o Buklkang Ambalatungan.

Ano nga kaya ang pakiramdam ng adventure sa white water rafting?  Tawag na sa Mabuhay Travel para sa inyong bakasyon sa Pilipinas, book early to avail cheapest airline fare to your dream destination in the Philippines.

 

Maraming Salamat po.

Related Posts

VILLA ESCUDERO

Diskobrehin ang kaaki akit na ganda ng buhay na hatid ng Villa Escudero Plantations and Resort. Ang pribadong lugar na...

Tarangban Falls, Philippines

Calbayog City, Samar Let’s explore Tarangban falls and experience the majestic scenery, pristine waterfall that exhibits a unique form made...

Diamond Cave – Nagtipunan Quirino Province

Let’s discover the undiscovered unspoiled beauty of Diamond cave in Quirino   Ang paglalakbay patungong Diamond Cave ay magdadala sa...

The Heritage Baroque Church of Santa Maria, Ilocos Sur

Ang Church of Our Lady of the Assumption (Nuestra Señora de la Asuncion), na karaniwang kilala bilang Santa Santa Church...